Matagal ko nang gustong maging bahagi ng Litratong Pinoy. Magmula pa ata nuong una kong nalaman ang tungkol dito magmula sa isang kapwa-Seoulite na si Betchay.

Ilang linggo na rin ang nakaraan magmula nang ilagay ko ang  link button ng LP sa aking blog. Ngunit medyo nahirapan akong hanapin ang mga larawang akma sa tema nuong mga nakaraang linggo.  :(

Paboritong litrato ang tema sa linggong ito na nataon na anibersaryo rin ng LP. Hindi ako magaling na litratista, mahilig lamang ako kumuha ng mga larawan. Kaya’t maaring lahat ng mga magiging lahok ko sa LP ay hindi matatawag na masining(artistic(?)) di tulad ng marami sa  mga lahok ng mga miyembro ng LP.

Katunayan ay ang una kong lahok, wala pa nga sa “focus”. Ngunit dahil sa paboritong litrato ang tema ay ito ang napili kong ilahok. Sa ngayon ay ito ang pinaka-paborito kong larawan dahil isang tingin lamang ay napapangiti na ako, nagbabalik sa ala-ala ang saya ng gabing kinuha ang mga larawang ito.

 Maligayang Anibersaryo LP!

Calligraphy

Calligraphy

Calligraphy